Friday, August 19, 2011

ANG PULIS

Ang pulis. Alagad ng batas. Tagapangtanggol ng mamamayan. Tumutupad sa sinumpaang tungkulin. Tapat sa pamahalaan. Kagalang-galang.

Weh? Di nga?

Ang pulis. Ano ba ang buhay ng isang pulis? Ano nga ba ang kanilang mga sinumpaang tungkulin? Paano nga ba maging isang pulis? Kung ako ang tatanungin e madali lang yan:

  • TUMAMBAY. Tumanga. Magpalaki ng tiyan. Mas ok kung yung tipong naka-kalso na sa manibela kapag nagmamaneho ka. Yun ang uso e.

  • BUSINESS MINDED. Dahil maliit ang sweldo ng isang pulis, dapat matuto kang mag-sideline. Manghingi ka ng lagay. Mangholdap este manghuli ka ng pasaway na driver. Magbenta ka ng baril, bawal na gamot, o kaya naman, makisosyo ka sa mga may-ari ng pasugalan, illegal na sabungan, at mga jueteng operators.

  • ALCOHOLIC. Mahilig tumambay sa mga BEERHOUSE kasama ang mga kapwa pulis, gamit ang POLICE MOBILE. Inuubos ang pinagputahan para sa alak at babae. Wag mo nang isipin yung pamilya mo na nag-iintay sa pag-uwi mo, ang importante nag-enjoy ka.

  • At syempre, kung bisyo rin lang ang pag-uusapan, mag-DRUGS ka na rin. Shabu, marijuana, cocaine; yan ang paborito nila. Kung wala ka namang budget, pwede na ang cough syrup, rugby, o kaya katol ,sunog na tsinelas, at Vulca Seal, para extreme.

  • CRIMINAL MINDED. Kidnapping, rape, murder, smuggling, robbery, extortion, at kung anu-ano pa. Pero syempre, dapat malakas ang kapit mo. Dumikit ka sa mga trapong opisyal ng gobyerno. Sa mga gahaman sa kapangyarian at kayamanan. Katulad ng mga…..uhm…..dating Gobernador ng Ilocos Sur, dating Panggulo ng Pilipinas, dating First Gentleman, dating opisyal ng Maguindanao, atbp.

  • TRIGGER-HAPPY. Para saan pa ang baril kung di mo naman magagamit di ba? Pag may hinahabol kang CARNAPPER, barilin mo agad lahat ng kaparehong sasakyan para di ka na mahirapan. Kung buhay pa rin, tuluyan mo na. Kapag nasa HOSTAGE CRISIS, wag mo nang intayin ang order, rapiduhin mo na yung HOSTAGE TAKER. OK lang kahit may madamay na SIBILYAN, ang importante e napatay yung kriminal

  • Kailangan din na magaling kang mang-TORTURE. Yung mga nag-eenjoy na manakit ng tao, tulad ng mga RIOT POLICE. Kagaya nung mga TARANTADONG PULIS-MAYNILA nung nakaraang taon nang may mahuli silang HOLDAPER. Hindi para paaminin yung kriminal, kundi para…..wala lang.....trip-trip lang. Mas maganda rin kung may video, para sulit ang kahayupan mo. At kung magreklamo man ang Human Rights Commission, dedma lang.

  • Pero ito, ito ang pinaka-importante sa lahat: Dapat mahilig kang kumain ng PANSIT, at dun ka na rin matulog. Bakit? Dahil ang mga pulis ay MAHILIG MATULOG SA PANSITAN. Kaya madalas e sila yung huling dumadating sa crime scene. Kagaya ng mga pulis sa mga action movies nila FPJ, Cesar Montano, at Robin Padilla, lagi silang late kung rumesponde.

O, madali lang di ba? Hindi na kailangan ng training. Kahit sino pwede. Sundin lang ang mga tips na ito at pwede ka nang maging pulis in no time.

Ang akin e opinyon lang naman. Maaaring meron pa ring mga pulis na tapat sa tungkulin, pero para na silang mga African Elephant, ENDANGERED na. Kaya para sa mga mangilan-ngilan, sana po e maibalik ninyo ang tiwala ng mamamayan sa ating kapulisan. Paano? Wag niyong gawin yung mga kabalbalang nabanggit ko.

No comments:

Post a Comment