Friday, August 19, 2011

KUNG MAMAMATAY AKO (repost)

Paano kung isang araw, mabalitaan mo na lang na wala na ako...na patay na pala ako? Paano kung huling pagkikita na pala natin nung huling inuman natin? Paano kung yung huling text message ko sayo ay di na pala masusundan? Paano kung sa pag-alis ko eh di na pala ako babalik...kahit kailan? Paano kung eto na ang huling blog na magagawa ko?Anong gagawin mo? Malulungkot ka ba? Iiyak ka ba sa pagkawala ko? O wala kang pakialam kasi bale-wala naman ako sayo? Sa araw ng burol ko, pupunta ka ba? Pupunta ka ba para makiramay at ipagdasal ang kaluluwa ko? O pupunta ka lang kasi alam mong may inuman? Sa Eulogy ko, anong sasabihin mo? Sasabihin mo ba na "Sayang...mabait pa naman siyang tao". O sasabihin mong "Buti nga sa kanya! Wala siyang kuwenta!". At sa araw ng libing ko, andun ka rin ba? Isa ka ba sa mga bubuhat sa kabaong ko? Isa ka ba sa mga maglalakad sa gitna ng init ng araw hanggang makarating sa simbahan? O makikibalita ka na lang kasi may lakad pa kayo ng BF/GF mo? O di ka pupunta kasi alam mong wala namang inuman pagkatapos? Hanggang dalhin na ko sa huling hantungan...ano kaya ang maaalala mo tungkol sa akin? Malulungkot ka ba dahil wala na ang bestfriend mo? Manghihinayang ka ba dahil di man lang tayo naging malapit sa isa't isa? Maiisip mo ba na sana di ka na lang nakipaghiwalay sa akin, para sana naging mas masaya ako sa mga huling araw ko? Manghihinayang ka ba dahil di mo man lang nasuklian yung pagmamahal ko sayo? Manghihinayang ka ba dahil di mo man lang nasabi na mahal mo rin ako? Maiisip mo ba na sana nung huling beses na nag-inuman tayo, nasabi mo sakin kung gaano ako kahalaga sa buhay mo at kung bakit mo ako itinuring na kaibigan? Maaalala mo ba yung mga araw na magkasama tayo? Sa inuman...kuwentuhan...kulitan...at sa kung anu-anong trip. O baka naman di ka apektado sa pagkawala ko kasi wala naman akong bilang para sayo?

Well, talagang ganyan ang buhay. Sabi nga nila "Pana-panahon lang yan". May mawawala, at may dadating. Sana kung dumating ang araw na kailangan na akong kunin ni Lord, o ng kung sino mang nilalang, malaman ko kung sino yung mga totoong nag-aalala, nagmamalasakit, at nagmamahal sakin. At sana magkita-kita pa rin tayo ulit.....kahit sa kabilang buhay.

Wag kayong mag-alala.....di pa ako mamatay.....MASAMANG DAMO TO! ^_^

No comments:

Post a Comment